
AYUDANG PANG-AGRIKULTURA
Namahagi ng mga inorganic na abono ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pampanga kahapon, February 10.
Ayon sa OPA, ang naturang ayuda ay personal na rinequest ni Governor Dennis “Delta” Pineda sa kagawaran para masiguro ang seguridad ng pagkain at agrikultura sa probinsyang Kapampangan.
Nasa dalawang daan at apatnapung (240) magsasaka ang tumanggap ng tig-dalawang sako ng pataba sa lupa sa bayan ng Sta. Rita at Porac, Pampanga.
Pinangunahan nina Provincial Agriculturist Jimmy Manlilic at Cristina Manalang, Provincial Rice Coordinator ang pamamahagi ng mga ayuda kasama ang mga lokal na opisyales sa mga bayan.
Sa ngalan nina Governor Delta at Vice Governor Lilia Pineda, personal ding kinumusta nina 2nd District Board Member Fritzie David-Dizon at Sajid Eusoof ang mga benepisyaryo.
Bukod sa ayuda sa pagsasaka, iminungkahi rin nina Dizon at Eusoof na kung may iniindang karamdaman, bukas ang Kapitolyo sa pagtutok ng kalusugan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Alagang Nanay Preventive Health Care Program.
Iikot ang DA at OPA sa iba pang bayan para mag-abot pa ng mga fertilizer para sa mga magsasakang Kapampangan.
📸: Jaja Galang / Pampanga PIO