Skip to main content

Duman Festival on Aksyon Alisto

“Parang isa akong turista”, ito ang pahayag ng isa sa mga manonood sa katatapos lamang na Duman Festival na kung saan nagtanghal ang Arti Sta. Rita ng sarsuwelang “Pampanga Yeah! The Musical! Inilibot ng nasabing grupo ang mga manonood sa mga piling lugar sa Pampanga na kung saan ginawan ng espesyal na awitin ni Andy Alviz, direktor ng Arti Sta. Rita.
Ang taunang selebrasyon na ito ay idinaraos taun-taon para sa pagpapasalamat ng masagang ani ng mga magsasaka sa ipinagmamalaking Duman na kung saan tanging sa bayan lamang ng Sta. Rita matatagpuan.
Tunay na hindi lamang sa mga pagkain kilala ang Pampanga kundi sa mayamang kultura at talento na maaaring ipagmalaki sa buong mundo.
Kaya ano pang hinihintaya mo,
Tara, Malaus ka Pampanga!
#DumanFestival
#ArtiStaRita

Official Website of Santa Rita