Skip to main content

Provincial Development Council 2nd Semestral Meeting

Nagpulong ngayong araw ng Miyerkules, ika- 11 ng Oktubre ang mga miyembro ng Provincial Development Council na pinamumunuan ni Governor Dennis “Delta” Pineda para sa semestral meeting nito sa Kingsborough International Convention Center.
Dumalo sa pagpupulong ang mga alkalde at mga representante ng iba’t-ibang LGU sa lalawigan, mga kalihim ng mga ahensya ng gobyerno, at iba pang pribadong sektor.
Iba’t-ibang paksa ang tinalakay at inaprubahan mula sa mga proposed PPA’s sa ilalim ng 20% Development Fund ng lalawigan para sa FY 2024, mga priority projects na tulong ng Kapitolyo sa mga LGU hanggang sa presentasyon ng Phase II ng flood mitigation project ng DPWH sa mga “low lying areas ng Pampanga Bay,” at “Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang Agraryo” program ng DAR.
📸: Daniel Ombina / Pampanga PIO

Official Website of Santa Rita