
SUSPENDIDO ANG FACE-TO-FACE CLASSES SA PAMPANGA
Suspendido ang face-to-face classes (ALL LEVELS) sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Pampanga mula March 6, 2023 hanggang March 8, 2023 sa bisa ng Executive Order No. 3- 2023 na inilabas ni Governor Dennis “Delta” Pineda.
Ito ang paghahandang ginawa ng Provincial Government para masiguro na hindi maantala ang pag-aaral at masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa inaasahang transportation strike sa bansa mula Lunes hanggang Biyernes.